![]()
Online Bulletin Board / FORUMS / Log in
Byaheng Bubong
Isang reaksyon
Ang aga kong umalis ng bahay para lang makapwesto sa maganda-gandang upuan dahil alam mo naman sa atin, paunahan lagi. Kung babagal-bagal ka, talagang maiiwanan ka. Kung aarte-arte ka naman, mas lalo kang iiwanan. Tulad ng nangyari sa akin sa huling uwi ko sa Paluan, sa halip na mapapwesto sa maganda-gandang upuan, sa bubong ako napunta. Alam mo ba kung bakit?
Well, umuwi nga pala ako ng paluan para makipagparticipate naman sa fiesta. Nagturo lang naman ako ng streetdancing na ilalaban ng Central. Maganda naman at madali kong napatuto ang mga bata. Naniniwala akong magagaling talaga ang mga taga-Paluan at talented pa!
Hayan na nga. Ok ang pag-uwi ko sa Paluan dahil kapag nasa Mamburao pala, bawal ang mga tao sa bubong ng dyip. Kaya lahat kaming mga pasahero ay nasa loob. Ang siste ka, siksikan din naman at ang init! Wala ka namang magawa kasi iyun na talaga ang naging parang kaugalian na talagang sisiksikin ang mga pasahero hanggat may lulugaran pa. Kahit ngagitna ng dyip e may upuan na para marami ang maisakay. Ang siste ka, may mga tao na nga sa gitna, may nagkakanlungan pa.
Tapos naman nung pabalik na ako ng maynila. Syempre, kailangang makipagpaunahan para makasakay sa loob dahil siguradong asbok na naman iyan! Akala ko ay walang dapat sasakay sa bubong tulad ng patakaran sa Mamburao, hala, ay meron pala! Kaya pala hindi agad umalis ang dyip e hinihintay pang mapuno ang itaas ng bubong. “Ano ba ‘yan?”, pagrereklamo ko. Biglang may napatingin sa akin sabay sabing ganyan talaga dito sa Paluan. Tama ba ‘yun? Kailangan ba laging kung ano ang nakagawian na ay iyun na ‘yun!? Hindi naman ‘ata tama ‘yun!?
Tapos sa hiya kahit papaano ay napapunta na rin ako sa bubong dahil may mga humahabol na grupo ng matatanda. Syempre, nakakahiya naman na nakaupo ka sa upuan samantalang nakikita mo naman ang matatanda na halos nagkakanda kuba na ay nakatingin sa iyo. Syempre naman kahit papaano ay mahihiya ka rin. Iyun ang nagbunsod sa akin para mapapunta ako sa bubong.
Hindi lang naman iyun ang pinag-aalburuto ko. Nasa bubong na nga at kung titingnan mo ay talagang punong-puno na, magpapasakay pa rin! Sobrang siba talaga. Ang hindi ko lang lubos na maisip, bakit sa Maburao hindi pwede ang ganitong sistema pero sa Paluan ay pwede. Hindi man lang ba ‘yan mapag-usapan? Simple lang naman iyan e!
Hahayaan pa ba nating may mangyaring sakuna tulad ng nangyari sa Nueva Ecija noong 2001? Kailangan pa bang may mangyaring ganito para lang amtigil ang ganitong sistema?
Hindi ko lpinapublish ito dahil galit ako dahil sa bubong ako napasakay. Ang sa akin lang, guasto ko namang mabago ang bulok na sistemang tulad nito. Para rin naman kasi sa atin ang mga bagay na ito. Nawa, sa lahat ng bumabasa nito, isipin ninyong mabuti bago kayo humusga.



For comments: paluan_tambayan@yahoo.com
Posted by mystery7:
Posted by william:
the same reason kaya ang development ay stagnant or slow-phased....sometimes its good but most of the time not so good...
if the master plan is not to disturbe the eco-system and environment, then its good because it discourages human traffic...not so good because kung ano yong noon, ganoon pa rin ngayon, including infrastucture, financial situations at governance...
good transpo equates to rapid devt (economic and social)...as well as access to modern amenities and means....
Posted by Vicky:
Ok lang sumakay sa bubong kung maayos ang daan, ang problema nasa bubong ka na puno para ka pang nangangabayo dahil sa lubak-lubak na daan kaya sa halip na madagdagan ang mga pampasaherong dyip nangasisira pa.
Ba't di kaya sa susunod mong reaction paper ang "LUBAK-LUBAK na KALSADA" naman ang gawin mong topic. Aabangan ko yan ha.
SIno ka nga pala.
Vtril@amkor.com
CYMBO at PCYA - Ang Pagbabalik
Paluan Catholic Youth in Action

From: Mahabang Hayhayin (1st BraveJounal entry)
Napakarami ng mga paniniwala ng mga taga-Paluan sa lahat ng bagay. Kunsabagay, hindi naman dapat natin itong ikahiya lalo na't maipagmamalaki naman ito sa kabilang banda.
Ang Paluan ay isang maliit na bayan sa dulo ng Occidental Mindoro. Nasa dulo man ito ay naaabot din naman ito ng makabagong teknolohiya. Hindi naman natin maikakaila pero mabagal talaga ang pag-unlad kumpara sa ibang bayan. Siyempre, kung ihahambing ito sa ibang bayan sa Occidental Mindoro, di hamak na mas maganda ang Paluan.
Mahirap magasalita ngunit hindi natin maiiwasan na magtanong kung minsan kung bakit "ganito", "ganoon" at iba pa. Iba kasi po ang taong nagtatanong kaysa sa hindi. Malay mo tama ka.
Hindi kataka-taka kung masali ang Calawagan sa "the cleanest body inland of water in the Philippines" kasi totoo namang malinis at kaaya-ayang mabuhay sa Paluan. Masaya sa Paluan at ang mga tao dito ay magagalang tumanggap ng panauhin. Hindi sila nag-aalinlangang magpapasok ng bisita dahil sila namulat na sa ganitong tradisyon.
Hindi mo minsan maintindihan ang mga katatandaan sa atin. Sa bagay, iton ang kinalakihan nila. Masyado silang nasanay sa pagiging istrikta. Maganda naman iyon sa isang banda basta huwag nga lang sosobra.
Napakarami pang hahayhayin kung ikukwento ko pa ang Paluan. Ang masasabi ko lang, isa itong paraiso sa makabagong panahon.


![]() Maraming Salamat sa inyong walang sawang pagtangkilik!!!!![]() |


tambay. All Rights Reserved.
bravenet.com